<body>
Home Ask Submit Archive
About Me


Hi, my name is Aldrin


^_lalmirch.o3



Credits:✰✰✰✰✰ Vinia

#FAFDF8


Minamahal kita pagkat Na sayo na ang lahat ;)

Minamahal kita pagkat Na sayo na ang lahat ;)



New year :) © @alieleiram for this photo. #FountainBaby

New year :) © @alieleiram for this photo. #FountainBaby


TAGAY-tay pa!

image

Malakas na Musika, Bibig na nababalot ng usok parang tambutso ng motorsiklo. Mga kabataang sabik sa toma, sa alak nakahanap ng tama.


TUHOG (A MOVIE REVIEW)

image

                   (credits)

I. PAMAGAT: Tuhog

II. Mga Tauhan

image

                                              (Credits)

Eugene Domingo bilang si Fiesta Dacanay

Leo Martinez bilang si Tonio Sucat

Enchong Dee bilang si Caloy Sicat

Empress Schuck bilang si Angel

Jake Cuenca bilang si Renato ‘Nato’ Timbangkaya

Manuel Chua bilang si Bobby

Nikki Valdez bilang si Faith

Kitkat bilang si Rochelle

Beauty Gonzalez bilang si Jenna

Rodjun Cruz bilang si Mark

Joe Vargas bilang si Wayne

Dimples Romana bilang si Lolet

Eda Nolan bilang si Peachy

Noel Trinidad bilang si Carding

Bodjie Pascua bilang si Lando

Menggie Cobarrubias bilang si Bert

Carla Martinez bilang si Mercy

Jon Achaval bilang si John

Nor Domingo bilang si Pugeda

Hyubs Azarcon bilang si Boyet

Nico Antonio bilang si Adrian

Ariel Ureta bilang si Dr. Nuguid

Allyzon Lualhati bilang si Dr. Paz

Nicco Manalo bilang si Dr. Sanchez

Maliksi Morales bilang isang Batang kalye

III. BUOD:

Nagsimula ang kwento sa pag uunahan ng dalawang bus na nag bunga sa pagkakabangga ng sinasakyan na bus lulan si Fiesta Dacanay na naturang konduktor ng sasakyan, Caloy Sicat na isang kabataan at Tonio Sucat na isang retiradong matanda, pawang mga pasahero lamang, mag kakaibang tao na napagsama sa isang iglap at natuhog. Ngunit bago pa man maganap ang mga kalunoslunos na pangyayari tila pareho-pareho silang may kinakaharap na suliranin, ito ang patuloy na paghamon sa kanila ng buhay. At sa pagkakatuhog nila sa mahabang tubo naungkat ang mga pighati sa kanilang buhay.

image

                                                   (Credits)

image    (Credits)     image

                        (Credits)

Si Tonio Sucat isang retirado, isang matanda at isang ama na tumanda sa pagbibigay ng buong suporta niya sa kanyang pamilya, dahilan upang maghangad siyang tuparin ang kanyang sariling pangarap at kasiyahang maging isang panadero. Matanda ngunit may kasiyahan sa tuwing naglalaro siya ng Pusoy dos kasama ang mga kaibigan. Gamit ng kanyang mga napaghirapan o retirement money at sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan nakapagtayo siya ng Panaderia. Bagamat ito ang kaniyang pangarap tila hirap itong tanggapin ng kanyang mga anak, at sa kabila nito naroon ang kanyang napaka maunawain na asawa, handang sumoporta sa kabila ng pagaalinlangan. Masasalamin mo kay tonio ang isang batang gusto laging kapiling ang laruan sa paghingi’t paghanap niya sa kanyang upuan,isang masipag na trabahador mula sa kanyang maagang paggising At isang kabataan pursigido sa kanyang pangarap

 image

                (Credits)

Si Fiesta Dacanay, mula sa kanyang tindig tila hindi nagpapadaig sa emosyon, tinatago niya ang kanyang mapait na buhay at mas pinapagana ang isip. Simula ng iniwan siya ng kanyang ina, ginugol niya na ang halos buong buhay niya para sa tatay niyang nalango naman sa alak, maging buhay pag-ibig ay parang kinalimutan na, naging matigas at matatag. Haggang sa nakilala niya si Nato, nagkagustuhan, naging masaya at naging magkasintahan ngunit ang inaakalang walang hanggan ay nauwi sa panandalian nang malaman ni Fiesta ang lihim ni Nato: Si Nato ay may anak sa unang kasintahan. Nakipaghiwalay si Fiesta kahit na si Nato ang Ama ng pinagbubuntis niya.

image

                                                   (Credits)

Si Caloy ay isang larawan ng isang tipikal na kabataan na nasa panahon ng pagtuklas ng mga bagay-bagay, Bagamat maraming tumutukso pilit na pinipigil ang tawag ng laman dahil siya at ang kanyang ka-long distance relationship o nobya niya na si Angel ay nagkasundo, Nangako sila na ibibigay ang sarili sa bawat isa lamang. Isang araw magkasama si Caloy at Angel, Nagtaka si caloy sa biglang pagiwas ni angel at nag simulang maghinala, Sa pag uwi ni Caloy ikinuwento niya ito sa mga kaibigan at napagalaman niyang hindi tumupad sa usapan si angel. Dito nagsimula ang pagtatago ni Caloy na lumipas din, nauwi naman ito sa pagsama ng loob ni Angel dahilan para umalis ito.

 image

                                                   (Credits)

Nagsimula at nagtapos ang kuwento sa tatlong pasahero ng Janus Express Bus na natuhog ng mahabang tubo. Ito ay sina fiesta, Caloy at tonio. Nilagari ang bakal para maumpisahan ang operasyon. Ang unang naihiwalay ay si Tonio sinundan ito ni Caloy, dinala sila sa operatin room ngunit dahil nga sa dalawa lang ang operating room naiwan si Fiesta, sa kanyang pagkamatay ay ang pagkabuhay naman ng kanyang anak. Matapos ang trahedya sa hospital ay ang pag-unlad ng panaderia ni tonio kasabay nito ang pagkakaroon niya ng buong suporta mula sa kanyang pamilya. Habang naisakatuparan naman ni angel at caloy ang kanilang usapan.

IV.BANGHAY NG MGA PANGYAYARI:

A) TAGPUAN

Bayan, Sm Fairview, Sa loob ng Janus Bus, bahay ni fiesta, Boarding house ni caloy

B) PROTAGONISTA

Eugene Domingo bilang si Fiesta Dacanay,Leo Martinez bilang si Tonio Sucat, Enchong Dee bilang si Caloy Sicat

C) ANTAGONISTA

Maliksi Morales bilang isang Batang kalye

D) SULIRANIN

  • Ang pag kakatuhog ni fiesta, Tonio at Caloy sa tubo
  • Pagtupad ng Pangarap ni Tonio
  • Kakulangan ng Operating room
  • Sinong mabubuhay si Fiesta o ang sanggol sa sinapukunan niya
  • Pag kalango ng Ama ni fiesta sa alak
  • Pag iwan kay fiesta ng kanyang ina
  • Kulang sa gabay ng magulang si Caloy

E) MGA KAUGNAY NA PANGYAYARI O PAGSUBOK SA PAGLUTAS  NG SULIRANIN

  • Dinala si Tonio ng kaibigan niyang si Bert sa maari nitong pag puwestuhan o pagtayuan ng kanyang panderia ito ay kaniyang binili.
  • Dahil sa dalawa lamang ang operating room, may isang hindi mabibigyan ng lunas at mababawian ng buhay
  • Pinakiusapan ni fiesta ang duktor na alagaan ang kanyang anak kung siya ay mamatay
  • Naging malungkot ang buhay ni fiesta dahil sa iniwan siya ng kanyang ina habang ang kanyang Tatay ay nalango sa alak
  • Dahil na sa maynila hindi nagabayan si Caloy sa mga bagay-bagay.

F) MGA IBINUNGA:

  • Naging maunlad ang panaderia at relasyon ni tonio sa kanyang pamilya
  • Nang makatiyak si Fiesta kung sino mag-aalaga ng bata napag disisyunan niyang siya na lang ang mamatay total duktor naman ang mag aalaga dito
  • Naging matatag at matigas si Fiesta kaya naman kinakatakutan dahil parang walang puso
  • Dahil kulang sa gabay ng magulang nakainpluwensiya ang peer pressure sa maagang pag kasabik nito sa pakikipagtalik

V. PAKSA O TEMA:

Mabuhay habang may buhay, ito ang pinapahayag na mensahe ng pelikula, Isang beses lang mabubuhay ang tao kaya’t dapat lubus-lubusin niya ito ika nga live life to fullest hindi kasi ito katulad ng bagay na puwedeng lagyan ng baterya para muling gumana, kaya hangga’t maaari baguhin ang nararapat baguhin, papayag ka bang ganyan ka na lang? Tatanda ka ba muna bago mo tutuparin ang pangrap mo? Abutin ang gustong marating at laging ibigay ang buong makakaya sa lahat ng gagawin. Tandaan hindi ka nabubuhay para sa iba, gawin mo ang makapagpapasaya sayo nang saganon masasabi mong BUHAY ka kailan? Ngayon na!

VI. MGA ASPETONG TEKNIKAL:

A) SINEMATOGRAPIYA:

 Dadalhin, hahawakan at ipapasyal ka. Para bang nagiging bahagi ka ng pelikula dahil sa technique at angle na ginamit dito. Sinasama ka sa usapan ng barkada ni tonio at ng kanyang pamilya. Magiging isa ka sa pasahero at sa isang iglap magigising ka sa iba’t ibang bahay dahilan para maramdaman mo ang bawat eksena nito.

B)  MUSIKA:

Akma at tugma ang bawat tunog sa ginamit sa bawat ginagawa ng iba’t ibang karakter tulad ng pag upo ni tonio sa lumang niyang silya. Matagumpay namang na-execute ang background music at instrumental music sa mga emosyonal na eksena. Nakadagdag ito sa pagbibigay ng mabigat na emosyon sa kasukdulan ng pelikula. Naging mas makatotohanan ang pagkakatuhog nila dahil sa musika at tunog na ginamit. Para bang sa musika malalaman kung nagsisimula na ang problema at kung malapit na masolusyonan ito. Ang musika rin ay isang elemento para mabagabag ang mga manunuod, ang I’m scared to death ni Kz tandingan ay umakma sa magaganap na pangyayari o nais ipakiwari ng kuwento gaya nga ng sinabi ko ang musika din ang nagdadala sa daloy ng kuwento.

C) VISUAL EFFECTS:

Magaling ang pag kakasunod-sunod o transition ng mga pangyayari. Mula sa mga pag babalik tanaw hanggang sa mga pag papalitan ng diyalogo. Halimbawa na lamang ay ang pagbibibgay assessment ng dalawang nurse kay Doktor nuguid. Naging epektibo ang pag kakatuhog ng tatlo dahil sa pag ka-slow motion ng mga pangyayari kaya naman ito’y nag muhkang totoo.

D) SET DESIGN:

Tipikal at makatotohanan, pamilyar at naglalarawan ng mga nakasanayang pamumuhay ng isang Pinoy mula sa traffic jam, pag uunahan ng bus, mga tipikal na bahay; gawa sa semento, bakal at kahoy. pawang mga lugar na maaari mong madaanan at kahit nga siguro na sa bahay ka pa eh tiyak makaka-relate ka.

 VII . KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA:

Katulad ng mga kuwento ang buhay ay may katapusan, Kaya’t habang nabubuhay gawin ang kinakailangan, ninanais at pinapangarap para bago mag tapos ang kuwento mo alam mong may ginawa ka at hindi nilipasan ng panahon. Dapat pahalagahan ang oras at panahon na nasasayang dahil walang nakakaalam kung kailan at anong oras darating ang  kamatayan .Tandaan walang pinipiling antas si kamatayan.

VIII. PAGSUSURI:

Magaling ang pag kakagawa ng visual effects at sound effects ng pag kakatuhog ng tatlo kaya naman nag muhka itong totoo, kawili-wili ang karakter ni tonio bagamat pare-pareho ang tagpuan hindi ito nagdulot ng paguulit. Ang kuwento nina fiesta, tonio at caloy ay sumasalamin sa totoong buhay; ano ang dinaranas ng matatanda, pakiramdam ng walang kalinga mula sa ina at ng pagiging isang kabataan. Sabayan pa nito ng mga familiar na lugar, ay ewan ko kung hindi ka madala. Nakakatuwa ang pangalan ni Eugene Domingo which is Fiesta na kung tutuusin walang kasiyahan sa pelikula dagdag mo dito si Empress na pinangalanang Angel siya lang naman ang sumuway sa usapan nila ni Caloy, Sunod dito ay si Nato Timbangkaya bakit kaya timbangkaya? Basta naaalala ko lang ay yung pumipili siya between Dimples and Eugene natimbang niya kaya?


Eskwelang Puno ng kwela (Valedictory address)

image

Isang maginhawa at mapagpalang umaga sa atin, mga kapwa ko magsisitapos, mga pursigidong magulang, butihing guro, dekono’t dekana, executive officer at sa ating mahal na Executive Director na si Mr. Balgan. Ngayon,ngayon ang araw na kay tagal nating pinaghirapan at inaasam-asam, ang araw na ika nga Beginning of the end mula sa silya, pintong ating inupuan, mga pitong ating binuksan at mga entabladong ating pinagtanghalan  marahil ang layo na nga ng aking narating kakayanin din kaya ang paparating? napakalayo na nga ng aking nilakad  at sa patuloy na pagsulong ng mga gulong ng tricycle, bus at jeep masasabi ko na hindi biro ang matagal na taong iginugol ko sa aking sinisintang paaralan kaya naman ang kulitan at tawanan ay di ko malilimutan. Sa loob ng apat na taon natin sa eskwela nagkaroon tayo ng iba’t ibang karanasan, nandyan ang tawanan, kalungkutan at di pagkakaunawaan kung minsan. Talaga namang hirap at pawis ang puhunan sa kolehiyo, Oo nga’t napakahirap maging college student mula sa mabibigat na takdang aralin. Mga proyekto na nagdulot ng pamumugto ng ating mga mata; kakapuyat, kakaisip at kakapa-alala na may dapat tayong gawin. Mahirap nga talaga kung iisipin, pero pansin niyo ba na mas tumaas ang tiwala natin sa ating sarili, dumami ang ating mga karanasan at siyempre mga kaibigan. Ang araw ng ating pagtatapos ay siya ring araw patungo sa mas mahirap pang dagok ng buhay kaya sana maging laging handa, ating i-apply ang mga aral na ating natutunan mula sa minamahal nating paaralan “One dream, One heart, One sanlo” Ako po si Aldrin Jay L. Bayaca bumabati ng magandang umaga 


Bakit hindi ka Crush ng Crush mo?

Bakit hindi nga ba ako crush ng crush ko? Ang tanging tanong na nasa isip ko ngayong araw, dahil kaya sa itsura ko? Pwede, o di kaya sa laman ng bulsa ko? Pwede, o kaya naman dahil sa situwasyon ko? Oo! Pwedeng-pwede .Ano at paano? Kahit saan ata bihira mong Makita ang tulad ko na nakaabrasiyete sa kapwa ko, nakikipagharutan at nagsi-sweet-sweetan sa tabi-tabi. Bading,bakla o ano paman ang itawag tama ka ganun nga ang ibig kong sabihin kami ang mga taong ang gusto ay kapwa namin lalaki. Napakalayo ng kaibahan di tulad sa kababaihan kaya naman napakahirap lalo na sa lipunang mapangmata at ang pagiging iba ay kasalanan.image

Credits to www.dramafever.com for the picture


Alarm Clock

                           

Simula bata pa ako naging matalas na ang pandinig ko mula sa malakas na ingay kapag binubuksan mo ang gate niyo, Tanghali ang pasok ko ngunit umaga pa lamang gising na gising na ako. Nandyan na yung dudungaw ako sa bintana para Makita ang napaka-Fresh mong muhka na animo’y naka-Filter, parang gumamit ng Camera360. Bawat araw inaasam kong maging kaibigan kita sabi nga nila doon nagsisimula ang lahat.Paano kaya? Parang ang hirap, hindi dahil sa malayo kundi sa kabang dala-dala ko kapag nakikita ka na, animoy mas mabigat pa sa encyclopedia. Naisip ko lang ang laki mo ring palang tulong ano? kasing epektibo mo ang alarm ng orasan yung bang paggising ko hindi na ako inaantok.Dumaan ang mga araw na lagi na lang akong nakatanga at sa wakas nagkakilala na rin tayo. Papunta ka palang ay jusko po naaalarma na ako. Nagdaan pa ang mga buwan at naging singlalim ng pacific ocean ang ugnayan nating dalawa. Naging masaya at kagilagilalas ang mga pangyayari sa aking buhay, natupad na makilala kita ng lubusan ngunit katulad nga ng Alarm ang sarap mong patayin, Alarm na panandalian lamang na tutunog at mamatay din.

Credits to the owner of the picture



Tweet from Funny Tweets (@SoFunnyPosts)→

Funny Tweets (@SoFunnyPosts) tweeted at 6:58 PM on Mon, Aug 26, 2013: My tweet wasn’t really about you. But if the shoe fits, then lace that bitch up and wear it. ( the official Twitter app at https://twitter.com/download





slugly:

this is tacky as fuck and i love it

slugly:

this is tacky as fuck and i love it



bowfly:

andrewbelami:

foodtrucker:

I wish I had the ability to make boys really nervous

holding a really sharp knife to their neck usuallly does the trick for me

as a boy I can confirm that this makes me really nervous



panda4ces:

seriouslyamerica:

theunnamedqueer:

jeffreyswest:

In an interview with Out Magazine, a publication which focuses on gay interests, Radcliffe was asked about reception to his newest film Kill Your Darlings in which the actor plays a gay character.

“You never see a gay actor getting asked what it’s like to play straight — to my knowledge, at least, there is no difference in how heterosexual and homosexual people fall in love.”


AMEN, Daniel Radcliffe!!!

I keep waiting for him to fuck up, but he keeps being awesome.
You go, DanRad!

Can we take a minute to appreciate the fact that Daniel Radcliffe refuses to disappoint us? SINCE I WAS 11 YEARS OLD THE MAN HAS NOT DISAPPOINTED ME!


I love him na ;)

panda4ces:

seriouslyamerica:

theunnamedqueer:

jeffreyswest:

In an interview with Out Magazine, a publication which focuses on gay interests, Radcliffe was asked about reception to his newest film Kill Your Darlings in which the actor plays a gay character.

“You never see a gay actor getting asked what it’s like to play straight — to my knowledge, at least, there is no difference in how heterosexual and homosexual people fall in love.”

AMEN, Daniel Radcliffe!!!

I keep waiting for him to fuck up, but he keeps being awesome.

You go, DanRad!

Can we take a minute to appreciate the fact that Daniel Radcliffe refuses to disappoint us? SINCE I WAS 11 YEARS OLD THE MAN HAS NOT DISAPPOINTED ME!

I love him na ;)